Ang buhay barista
kay sarap, kay hirap..
kahit mabaon sa trabaho..
hindi pa rin maalis..
ang ngiti sa aking mukha..
minsa'y inisip na sana simple ang buhay..
magsilbing maliit na bahagi ng isang lugar..
upang di na maguluhan di na masaktan..
ngunit di mapipigil ang dugong palaban..
upang di na maguluhan di na masaktan..
ngunit di mapipigil ang dugong palaban..
O kay saya ng aking nilagi..
noong ako'y kabilang at kasapi..
nung una'y kathang di matapos..
ngayon ang masasabi ay di maubos..
hindi mawawala ang markang iniwan..
at ang mga taong kinagisnan..
sana'y maranasan muli..
bago dumating ang huling sandali..
o kay saya buhay barista
bangon! labas! halika!
sa amoy ng kape ay gumising!
ang nalalabing panahon lubusin!
sapagkat di alam kung kailan mawawala..
hahanap hanapin ang buhay barista..
paalam..
No comments:
Post a Comment