Wednesday, February 2, 2011

Tanto

Habang naliligo aking nakita..
Isang bote ng shampoo..
at ako'y napaisip..
pagkaubos neto parang..
mahabang panahon na ang lumipas..

habang ako naman..
ay naggugupit ng kuko..
ako muli'y napatanto..
dapat may narating na ako pagkahaba
muli neto..

parang andaming bagay na nakikita..
at ginagawa pang araw araw..
na parang hindi napapansin..
ngunit may malalim na kahulugan..
na lingid sa pandama pandinig at paningin..

maikli lamang ang takbo ng panahon..
kaya't wag sayangin at wag umayon..
sa mga hinihingi na sayo nama'y nagpapahikbi...
lumaban ka at ika'y bumangon..
gisingin ang sarili at harapin ang hamon..

sapagkat kakarampot ang ating ilalagi..
bago tayo bumalik sa nagmamayari..
ng buhay na ito na ating hawak..
ay mawala lamang ng parang bula..


No comments:

Post a Comment