Wednesday, February 17, 2010

Petron sa Filinvest..

sa malungkot na gasolinahan..
habang nagaantay ng masasakyan..
ako'y nagtatanto, nagiisip..
tapos nanaman ang ligaya..
kelan muli magbabalik?.

palatandaan ng pagtatapos..
pagtigil ng kasiyahan..
kahit ito'y pansamantala..
ang oras ay bumagal..
na tila nangaantala..

habang ang dilim bumabalot..
nakakabinging katahimikan..
kalungkutan sinasakop..
katauhan ng unti - unti..
kelan kaya makakauwi..

ayan na ang jip hangang sa muli..

No comments:

Post a Comment